Salamat, Seat No. 57A. ==> from JM!
Ngayon na ang alis ko. Sa tagal ng panahon na ginugol ko para sa desisyon kong 'to, ngayon na ang araw. Masakit pero hanggang dito na lng ang kaya ko.
Tinawag na ang mga pasaherong sasakay patungo sa ibang bansa.
Dala ang gamit ko, sabi nga ni John Lapuz, "Diz iz it!"
Pasakay na ako sa eroplano. Eroplanong magdadala sa akin sa ibang mundo. Malayo sa kinagisnan ko. Malayo sa mga naranasan ko.
Mabuti na cguro ung ganito. Malayo. Nakakalungkot na nakakakaba dahil magsisimula uli ako. Panibagong pakikipagsapalaran. Panibagong buhay.
Pagtingin ko sa aking ticket, Seat 57B. Sayang, isa na lng, ako na ung nasa may bintana. Paboritong lugar ko pa naman un. Ok lang, ganun tlga.
Pagkalagay ko ng aking gamit sa itaas, umupo na ako at kinuha ko na agad ang headset ng eroplano para makinig ng music. Wala sa mood para makipagsosyalan sa kung cnu man ang aking makakatabi.
"Excuse
Malamang ito na ung makakatabi ko. Mukha namang tahimik at magalang. Ok na rin cguro to.
"Sorry." sagot ko. At padahan akong umurong para makadaan cia.
Pagkaupo niya, ginawa nia din ang ginawa ko. Mabuti para d na din ako maistorbo. Ng biglang,
"First time mo?" tanong niya bago ko pa man ibalik ang headset sa tenga ko.
"Hindi. Pang anim na." sagot ko. Nakalimutan ko na din ung una kong naramdaman pagkasakay ko doon.
"Ah. First time ko. Bakit ka aalis?"
"Tapos na ang buhay ko rito. Wala na akong babalikan. Ikaw?"
"Baligtad naman tayo.Babalikan ko ang nakaraan ko."
Baligtad nga kami. Nakakatuwang isipin, iba't-ibang pasahero, iba't-ibang mga dahilan kung bakit aalis.
Lumipad na ang eroplano. Kasabay ng huli kong pagtingin sa nakaraan ko.
Hindi na ako babalik.
"Magpapakasal na kami." sagot nia ulit nung napansin niang natulala ako.
Napangiti na lng ako sa sinagot nia.Naisip ko, ako kaya, maranasan ko ung ngiti ng mga mata niya? Maranasan ko kaya ung tuwa ng pagkakwento niya?
Malamang, hindi. Nasa magkaiba kami ng estado sa buhay.
Naalala ko kung bakit ako lilipad. Tama nga cguro ang desisyon ko.
Dalawang buwan na ang nakaraaan. Maulan. Kausap ko cia sa may waiting shed.
"Hanggang dito na lang tayo." malungkot niang sinabi sa akin.
"Hindi ba ako karapat dapat na ipagtanggol?"
Hindi na cia sumagot. Hindi na niya kailangan sumagot dahil doon pa lang, alam ko na.
Dahan-dahan akong bumalik ng bahay habang tahimik na umiiyak.
Tapos na. Hindi ko man lang alam kung paano kami umabot sa ganun.
Nakatulog pala ako. Pagkagising ko, hinahanda na ang kakainin namin.
"Ang sarap ng tulog mo. Nakakainggit ka." sabi ng katabi ko.
"Pagod lang siguro." habang nakangiti kong sinagot ang sinabi nia.
Hindi naman ako dapat kainggitan.
Limang oras na pala ang nakalipas. Malapit na kaming makarating. Naghanda na din ako sa panibagong haharapin.
Hindi na ako babalik. PInakawalan ko na ang bahaging iyon ng buhay ko.
Pagkadating namin sa airport, nag ayos na ako ng gamit para lumabas. Nung lahat ay nakalabas na at palabas na ng room para salubungin ang mga tao, napansin ko si Seat No. 57A.
Nakangiti. Tinungo ko ang dahilan ng kanyang ngiti. Mukhang iyon ang kanyang mapapangasawa.
Salamat, Seat No. 57A. Dahil sayo, may pag asa pa cguro ako.
"Hindi ba ako karapat dapat na ipagtanggol?" naalala ko ang nasabi ko nung gabing yun.
Tumalikod ako. Tinungo ang labasan. Baka dito ko makita ang hinahanap ko.
Hindi na ako babalik.
No comments:
Post a Comment