Ulan nga naman...
Ang lakas nanamn ng ulan. Kung kelan nga naman hindi na ako nagdala ng payong para maiwasang mabasa.
Eto, cia namang lakas ng buhos na parang sinasabing, "Akala mo nakalusot ka na, no?"
Kung kelan nga naman ako nakalimot na, cia namang babalik ang bagay na ayaw ko ng balikan pa.
Kung kelan nasanay ka nang maaliwalas ang panahon, saka naman biglang darating ang panahon na magpapa alala sayo ng lahat.
"Musta ka na?" tanong nia.
"Eto, ok naman."
"Eto, ok naman."
Magpapa alalang hindi ka pa pala nakalimot. Hindi ka pa pala tuluyang natuyo.
"Sana naging tayo, no?" sinabi nia.
Bigyan naman sana ako ng panahon para magpatuyo. Ayoko na ng ulan.
"Panu un, nagtalo na tayo nung huli? Sabi mo ayaw mo na." sagot ko..
"Wag na nating pag usapan un. Kalimutan na natin ung dati."
"Wag na nating pag usapan un. Kalimutan na natin ung dati."
Maghihintay na lang cguro ako ng dadaan na may dalang payong.
Baka sakaling kahit malakas ang bagyo, mtulungan niya ako hanggang sa umaliwalas uli ang panahon.
(Langhya ka JM!!!)
No comments:
Post a Comment