Sunday, November 16, 2008

Saan ba natatagpuan ang kaligayahan?

Sa Langit ba? Sa lansangan? Sa piling ng mga tala ba o sa yakap ng imburnal? Sa totoo lang... hindi ko alam. Wari'y sa kahit saang sulok man ng mundo at sansinukob, ito ay nagkukubli sa mga naghahangad ng panatag na sarili. Marahil Diyos lang ang nakakaalam.

Sabi ng iba, ang pagbabago ay nanggagaling sa puso...

Paano kung ito ay nagsasara sa maya't mayang pagbulong ng mapait na nakaraan? Isang nakaraan na ayaw magpayakap sa limot at malumanay na sumasampal sa iyong mukha. Nangungutya sa iyong pagkatao...

No comments: